Sunday, October 2, 2011

BINUKOT ( ANG HULING PRINSESA )

              Ang Pilipinas ay napakayaman hindi lamang sa likas na yaman nitong taglay kundi ganun din sa kultura at kasaysayan. Subalit nang dumating ang mga mananakop , ang mga taong nakakaalam ng ating kasaysayan ay halos naubos. Kaya’t sa panahon ngayon hindi lahat ng ating kasaysayan bago tayo sakupin ng mag mananakop ay nalalaman pa natin.
   
                 Isa sa ating kasaysayan ang tungkol sa mga binukot. Nang mapanood ko ang dokyumentaryo ni Kara David  sobra akong nasiyahan dahil may malalaman na naman akong bahagi ng ating kasaysayan. At nakakatuwang malaman na sa hanggang ngayon may natitira pa sa mga Binukot.
                   
                  Ang mga Binukot ay mga taong itinatago sa isang kubo at namumuhay na parang mga prinsesa at ang tanging nakakaalam ng kanilang epiko. Isa sa ipinakitang binukot sa dokyumentaryo ay si Lola Isiang. Lagi syang nakasuot ng belo upang hindi makita ang kanyang mukha. At kailangan syang buhatin sa pamamagitan ng duyan upang hindi sumayad ang paa sa lupa. Pinapaliguan , sinusuklayan at binibigyan ng pagkaing para lamang sa prinsesa. Subalit sa kabila ng ganitong pamumuhay, hindi manlang sya makapaglaro o kahit makapasok sa paaralan. At ang tanging gingawa ay  sumayaw ng kanilang katutubong sayaw at kumanta ng napakahabang  epiko. Kung iisipin masarap ang mamuhay prinsesa. Subalit para sa akin nakakaawang tingnan si Lola Isiang. Hindi manlang nya natamasa ang kasayanhang maging bata. Subalit upang may magdala ng kanilang epiko, kailangan nyang maging isang Binukot. At dahil sa nagyaring pananakop sa ating bansa ang mga Binukot ang unang namamatay dahil mahihina ang mga paa. Kung kayat nagdisisyon ang mga magulang na wag gawing binukot ang kanilang mag anak. Subalit sa kabila nito paano na ang epikong matagal nilang inaalagaan?  Nakakalungkot isipin na mawawala na ang isang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas. Ngunit sa kabilang banda may mga tao parin  na pinapahalagahan ang kanilang yaman. Tulad na lamang ni   Frederico Caballero at ang mga tao sa kanilang baranggay. Nakahanap sila ng paraan na manatiling buhay ang kanilang tradisyon sa pagpapatayo ng “Balay Turun-an”. Nakakatuwa at hindi na nila kailangan pang pwersahin ang isang babae upang maging isang Binukot.
        
                 Nagpapakita lamang ito na mapapanatili natin ang isang kayamanan katulad ng epiko ng mga taga panay ( na tanging ang mga binukot  lamang ang  nakakaalam) na mapapangalagaan natin ito sa maayos na paraan at hindi lamang iisang tao ang nakakaalam kundi ang buong tribo. At makakapamuhay ng normal at makasunod sa bagong  panahon.
         
                 Marahil hindi rin magtatagal at mawawala rin ang mga Binukot sa ating bansa, subalit  mananatili ito sa ating kasaysayan habang may mga taong magpapahalaga nito.

4 comments:

  1. napanood ko rin ito..isa ito sa pinagkuhanan ng konsepto ng AMAYA.

    Tunay ngang mayaman ang ating bansa sa kasaysayan.

    ReplyDelete
  2. I really like your blog because it is very informative and it helped me imagine a lot of things about the Filipino culture--epics.

    ReplyDelete
  3. sino sino ang tauhan sa kwento??

    ReplyDelete
  4. This only prove that there are lots of cultures and traditions of Filipino that that are unique

    ReplyDelete